Pinagsama samang sama ng loob sa mga taong pinatawad ko na. If they were forgiven then why am I doing this? May masabi lang at may mapagtawanan pagtanda ko. Kung sa tingin mo wala ka d'yan dalawa lang ibig sabihin nun. Mabuti kang tao o hindi tayo close.
I'll name them Humpy. Why Humpy? Why not? It sounds evil enough for me.
Ikaw. Oo ikaw. Hindi ko alam kung bakit kelangan pang sabihin ang obvious. Oo madami akong imperfections at alam ko yun, alam na alam ko yun. Pero hindi ko alam kung bakit kelangan mo pang ipagduldulan. Does it make you feel better? Does it make you feel superior than I? Hindi ko alam kung bakit may mga taong katulad mo na nasisiyahan sa misfortunes ng iba. Tapos yung mga taong makatawag sayo ng selfish wagas. Binigay mo na lahat lahat tapos isang beses mo lang sila hindi mapagbigyan kung anu-ano na itatawag sayo. Sira-ulo ka pala e. Tanga ka ba? Responsibilidad ba kita? Binigay ko na lahat kulang pa? Ultimo gagamitin ko at oras ko nasa iyo na nagreklamo ba ako? Hindi naman diba? Kasi binigay at ginawa ko yun ng walang kapalit and the least that you can do is say thank you pero hindi, kahit labas sa ilong na pasasalamat wala. Sa kapal ng mukha mo nahiya na ang kalabaw, nagawa mo pang manlait at isiping may kapalit ang gawa ko. Bakit alam ko ang iniisip mo? Yun ang pinapakita mo e. At sa ginagawa at iniisip mong yan it makes me think and assess all the things I've done. Siguro nga ikaw ganun, ang sarap mo sigurong gayahin at gawin ang ibinibintang mo. Kaso hindi. Hinding hindi ako magpapadikta sa'yo. Pero ito malupit, yung mga taong kinaiinisan ko ng sobra e yung katulad mo Humpy. Yung mga taong walang ginawa kundi isisi sa iba yung mga pangit na nangyari sa kanila. E ano bang ginawa mo para itama yun, point your finger on someone? Pero pagmaganda ang kinalabasn gusto mo sa iyo lahat ng credit kahit na ang ginawa mo lang naman ay hawiin ang bangs ng pobreng batang walang ginawa kundi pagandahin yang pinagyayabang mong obra maestra. Ikaw na bida. Lubid you like? Naiinis din ako sayo dahil kahit hindi mo sabihin e alam ko kung anong tingin mo sa akin. Isang batang walang alam sa mundo, tanga, bobo at madaling mauto. Actually hindi naman sa uto-uto ako masunurin lang. At saka pwede ba pakibaba babaan ang pride? Maging humble ka naman at idikit ang mukha mo sa lupa. Alam mo ng mali ka pero dahil sa masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo e sa iba mo pa din ibe-blame. Bakit? Kasi nga magaling ka. Hindi nagkakamali. Hindi pumapalya. Oo sa kayabangan numero uno ka. At pwede ba pagmagtatanong ka wag sa akin? Nabubwisit kasi ako sa tuwing magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala. Parang hihingi ng payo pero hindi papakinggan. Para ka lang kumain at tae agad ang kinalabasan. Hindi man lang dinigest pinalabas agad. Sayang ang sustansya. At ito ang matindi, may ititindi ka pa pala akalain mo yun? Maliban sa mapapel ka, star ng bayan e self-centered ka pa. Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng tao sa tuwing sinasabi mo yun. Gusto mo laging ikaw ang una, wala namang masama doon lahat naman tayo gustong number one. Pero sana isipin mo din na hindi sa lahat ng kategorya e ikaw ang nangunguna. At kung sa tingin mo magaling ka, may mas gagaling pa sayo lagi. Always. There is always someone bigger and better than you. Live with it. Kasing baho ng ugali mo ang paa mo. Taglish ito para maintindihan mo.
Gusto kitang gustuhin tuwing inaaway mo ako. Pero minsan mas naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kong gawin mo yun. At naiinis din ako dahil hindi ko kayang magalit ng todo, sagad at aabot ng bukas. Siguro kasi ganito ako pinalaki. Wag magtatanim ng sama ng loob dahil papangit ka na papangit pa ugali mo. Infairness effective naman ang pananakot ni mama. Duhh. Pangit na nga ako magpapapangit pa lalo? Anong mukha na lang ang ihaharap ko sa tao? At isa pa pagnararamdaman ko ng nagagalit ako iniisip ko kung bakit ako nagagalit. Sa taong ito ba o sa ginawa n'ya? Bakit n'ya ginawa yun? Anong dahilan n'ya? Pag hindi ako na-satisfy sa sagot sa sarili kong tanong e hindi ako magagalit. E paano ba yan madalas pangit ang sagot ko kaya ang tumal kong magalit. Nakakainis diba? Naisip ko lang din pagnagalit ako, sarili ko lang naman ang pinahihirapan ko. Alam ba nung taong yun na galit ako sa kanya? Kung alam n'ya ano naman sa kanya diba, hindi naman n'ya ikayayaman yun. Pinapahirapan ko na nga ang sarili ko pumapangit pa ako. Sinong talo? Ako! Siguro si Humpy din ako minsan. Sa ibang tao malaking monster din ako hindi ko sila masisisi katulad lang din naman nila akong tao. Madaming pagkakamali. Madaming flaws.
And another reason kung bakit hindi ko inugaling magtanim ng sama ng loob e dahil takot ako sa maaaring magawa ko. Oo nagagalit ako, like tuwing nag-aaway kami ng kapatid ko e gusto ko na s'ya itulak sa dumadaang pison pero itulog ko lang o kaya hindi n'ya lang ako pansinin e mangungulit na naman ako na parang walang nagyari. Baliw baliwan ata ang uso ngayon? And hate is a scary thing. Parang you can sacrifice your own happiness just for the sake of hating someone. I don't wanna live that kind of life.
Yay! First Tagalog entry? Taray.