Thursday, March 31, 2016

Sorry Na


Sorry na na hinahanap hanap pa din kita
Sorry na na inaalala ko pa din lahat ng yakap, lahat ng kwento at lahat ng biro mo
Hindi ko napansin, isa na lang pala ako sa yakap na di na mauulit pa
Isa na lang ako sa mga kwento mong ibabahagi sa mga kaibigan mo
Isa na lang akong biro na tatawanan mo
Sorry na kasi akala ko kaya na kitang kalimutan
Sorry na kasi umasa akong babalik ka
Sorry na na namimiss pa din kita

"Sorry na" mga katagang gusto ko sanang marinig mula sayo
"Sorry na" salitang hinihintay kong sabihin mo
At patatawarin agad kita.
"Sorry na" hinintay at hinintay at hinihintay ko mula sayo
Sorry na

Pero sorry na lang ako
Kasi masaya ka na
Nakalimot ka na
Sorry na lang ako
Kasi naniwala ako
Sorry na lang ako