Tuesday, May 21, 2013

Self-Control?!

Self-Control ba kamo?

  • Yun yung oorder ka pa ng isang kape pero naisip mo tama na ang dalawa para sa araw na 'to. Kaya mauupo ka na lang ulit at titipidin ang nalalabing caffeine.
  • Yun yung magbabayad ka na lang sa counter para sa librong humagip ng mata mo at pumukaw sa puso mo. Pero maaalala mong 65% ng libro mo sa bahay e hindi mo pa nababasa at itong librong hawak mo ay madadagdag lang sa collections of unread books mo. Kaya dahan dahan mong isosoli sa lalagyan at lalabas ng sawi sa bookstore.
  • Yung nagtext s'ya at gustung gusto mo ng replayan. Mag-uunli ka na nga oh kaso naisip mo kung miss ka n'ya dapat dati pa s'ya nagtext. Kung gusto ka n'ya makita hindi simpleng "Hi" ang laman ng unang mensahe n'ya sa loob ng isang buwang hindi pagpaparamdam kundi "I miss you. Pwede ba kong pumunta jan ngayon?" Kaya hindi mo s'ya rereplayan at kakagatin ang kuko para pigilan ang pag-unli.
  • Yun yung gusto mo ng mangsipa, mangbugbog at manampal ng nilalang na hindi marunong gumalang at walang bukambibig kundi trash talk. Pero naisip mong maliit ka, malaki s'ya/sila. Isa mo lang, madami sila. Cute ako at pangit sila. So kung mag-aaway kami walang mawawala sa kanila. Kaya lalayo na lang ako hindi dahil sa takot o alam kong matatalo ako kundi dahil I know I am better than that. Haha excuses!
  • Yun yung gusto mo pang magbasa ng Manga kaso umaga na naman kaya hihilain mo ang sarili mo para mahiga sa kama at pwersahing matulog. Iba na kasi ang takbo ng utak mo, umaga e ginawang gabi at ang gabi mo ay ginawang umaga.

Ang galing. Marunong na pala ako magpigil. Haha pero paminsan minsan e bumibigay din. Tulad ngayon hawak ko ang librong Diary ng Panget na nakita ko sa NB, sumasakit kasi ang mata ko pag sa Wattpad nagbabasa. Katulad kahapon naka-isang grande Coffee Jelly at isang tall Java Chip sa SB at isang large na Cappuccino sa KK. At ang ending? Ayun nasa comfort room ang lola n'yo. Nasobrahan e. At nagreply sa isang text na hindi dapat. Hindi dapat dahil regular load lang ako, hindi na mahilig mag-unli e, nagpalitan ng mga walang kwenteng banat at nung importante na ang text e naubusan ng load. Lalabas na sana ako ng bahay kaso madilim na kaya ipinagpabukas ko na lang. Self-control, mapeperpekto din kita.

No comments:

Post a Comment